MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panibagong modus kung saan ginagamit ang pangalan ng kanilang mga opisyal.
Ayon sa DPWH-Human Resource and Administrative Service, gamit ng isang bogus caller ang numerong 0968-514-4264 at nagpapakilalang si Director Vanessa G. Villanueva mula Central Office.
Sinabi umano niya na may pulong kasama si Seretary Vince Dizon at humihingi ng bayad para makadalo.
Paglilinaw ng DPWH, hindi nag-utos si Director Villanueva ng anumang paniningil at wala ring nakatakdang pulong ang kalihim.
Pinayuhan naman ng ahensya ang publiko na huwag tangkilin ang ganitong uri ng panlilinlang.
Paalala din ng DPWH na agad ipaalam sa mga awtoridad ang anumang modus laban sa ahensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden