Home TOP STORIES Bakit todo-pilit ang isang mambabatas na gawing testigo ang kontratista?

Bakit todo-pilit ang isang mambabatas na gawing testigo ang kontratista?

213
0

MANILA, Philippines – Usap-usapan sa kapulungan ang kakaibang pagpupursige ng isang mambabatas na makumbinsi ang mga awtoridad na gawing testigo ang isang kontratista na umano’y nasangkot sa kontrobersyal na flood control projects.

Ayon sa mga miron, kitang-kita raw na hindi naman pasok sa “least guilty” ang kontratista, ngunit tila todo-kayod ang mambabatas para maisulong ang kanyang pagiging testigo. Palaisipan tuloy kung may nakatagong kasunduan o halaga sa likod ng kanilang ugnayan.

May nagsasabing nakaabot pa raw ang mambabatas sa mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) upang igiit ang kanyang posisyon. May mga bulung-bulungan din na baka nag-aalala siya na baka magsalita ang kontratista at mabanggit ang pangalan ng iba pang sangkot.

Napansin pa ng ilan na tila selective ang talumpati ng mambabatas: kapag usapin ay tungkol sa pagiging testigo, bukambibig niya ang pangalan ng kontratista; pero kapag diretsong tungkol sa flood control projects, nananahimik umano siya.

Sa kabila nito, tanong ng mga miron: hanggang saan aabot ang pagpupumilit na ito, at kanino ba talaga pumapabor — sa paghahanap ng hustisya, o sa likod ng hiwaga ng pulitika? RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here