Home NATIONWIDE Rep. Marcos kay Rep. Zaldy Co: Come home and face all allegations

Rep. Marcos kay Rep. Zaldy Co: Come home and face all allegations

272
0

MANILA, Philippines – Hinamon ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos si Ako Bicol Rep. Zaldy Co na umuwi ng bansa at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Nang tanungin si Marcos ukol sa magiging kapalaran ni Co matapos ang nangyaring pagpapalit ng liderato sa Kamara, sinabi ni Marcos na sya ang mauunang magsasabi na dapat umuwi na si Co.

“I am gonna be the  first one to tell you that he should come home and face any and all the allegations against him” ani Marcos.

“the allegations is too severe and its dragging the house down” dagdag pa nito.

Kung pupuwersahin ba ng Kamara si Co na umuwi ng bansa, sinabi ni Marcos na hindi nya alam kung maaari itong gawin ng Kamara bilang isang collegiate body, gayunpaman ang maaaring magawa ng Kamara ay magsampa ng reklamo sa Ethics Committee.

Maaari umanong matulad si Co sa nangyari kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves tinanggal sa rolls ng Kamara.

Matatandaan na si Teves ay tinanggal dahil sa indecent conduct at chronic absence.

Nang pumutok ang isyu sa anomalya sa flood control projects ay wala na sa bansa si Co, sinasabing lumipad na ito patungong Estados Unidos para sa isang medical treatment. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here