Home METRO Kelot timbog sa P40-K tobats sa Pasay

Kelot timbog sa P40-K tobats sa Pasay

210
0

PASAY, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Sub-station 1 ng Pasay City Police ang isang street level individual (SLI) na nakumpiskahan ng P42,568 halaga ng shabu Martes ng gabi, Setyembre 16.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang nadakip na suspek na si alyas Nald, 37, construction worker, at residente ng 94 M. Santos St., Barangay 25, Pasay City.

Base sa report na natanggap ni De Sesto, nadakip si alyas Nald bandang alas 7:40 ng gabi sa kanto ng Gil Puyat Avenue (Buendia Avenue) at Sandejas Street, Barangay 47, Pasay City.

Ayon kay De Sesto, habang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga miyembro ng Sub-station 1 (CCP Complex) kaugnay sa kanilang Oplan Galugad ay napansin ng mga awtoridad ang suspek na nasa isang madilim na bahagi ng Gil Puyat Avenue at nang mapansin sila ng suspek ay agad itong nagtatakbo kung saan nagkaroon ng maiksing habulan na nagdulot ng pagkakadakip ng suspek.

Bago pa man maitapon ng suspek ang kanyang hawak na ilegal na droga ay mabilis itong nahawakan ng isa sa mga humabol na pulis.

Narekober sa posesyon ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng 6.26 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P42,568.

Matapos nag pagkaaresto ng suspek ay agad itong naiturnover sa kustodiya ng Station Drug Enforcement unit (SDEU) para sa pormal ng pagsasampa ng kasong paglabag sa Sec. 11, Art. II ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002) sa Pasay City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here