SOUTH COTABATO, Philippines – Higit sa P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa nadakip na tatlong High-Value Individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust operation, iniulat kahapon sa bayan ng Polomolok.
Kinilala ang mga nadakip na suspek sa mga alyas “Moks”, 36, residente ng Brgy. Lagao, General Santos City; “Boyet”, 52, driver, residente ng Brgy. Sinawal, General Santos City; at “Robot”, 50, residente ng Brgy. Dad. West, General Santos City.
Sa pinagsamang operasyon ng ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12, RIU 12, PDEG SOU 12, Polomolok MPS, at PDEA 12, nadakip ang suspek sa Barangay Glamang, Polomolok, South Cotabato.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 250 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,700,000, buy-bust money, isang Android phone, iba’t ibang wallet, IDs, ₱800 cash, alahas, sling bags, at iba pang personal na kagamitan.
Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Polomolok MPS ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. /Mary Anne Sapico