Home OPINION P5.8B NOTICE OF DISALLOWANCE SA DPWH INILABAS NG COA

P5.8B NOTICE OF DISALLOWANCE SA DPWH INILABAS NG COA

276
0

INIULAT ng Commission on Audit (COA) na nakapaglabas na ito ng 1,985 Notice of Disallowance sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nakalipas na isang dekada.

Ayon kay COA chairper­son Gamaliel Cordoba, ang kabuuang halaga ng mga disallowance ay umabot sa Php 5.8 billion, ha­bang nasa 8,294 ang Notice of Suspension na nagkakaha­laga ng Php 303.68 billion, at 54 Notice of Discharge na aabot sa Php 8.8 million.

Ibinahagi rin ni chairperson Cordoba ang ulat ng Fraud Audit Team tungkol sa ilang flood control pro­jects sa Bulacan na ipi­­nagkatiwala sa Wawao Buil­ders, St. Timothy Construction Corporation, at SYMS Construction Trading.

Natuklasan na ilan sa mga proyektong idineklarang “100 percent completed” sa papel ay hindi pa pala lubos na natatapos sa aktuwal, kagaya ng proyekto sa Barangay Frances sa Calumpit na halos kalaha­ti pa lamang ang natatapos sa itinakdang haba ng istruk­tura.

Ang Notice of Disallo­wance ay isang opisyal na dokumento mula sa COA na nagsasaad na ang isang transaksyon ng pamaha­laan ay hindi aprubado dahil ito ay labag sa batas, walang sapat na dokumento, o hindi tama ang paggasta.
Kapag na-issuehan ng Notice of Disallowance, ma­aaring managot ang mga opisyal at empleyado na res­ponsable sa pag-apruba o paggastos.

Kabilang dito ang po­si­bilidad na singilin sila para ibalik ang perang nagastos.
Habang ang Notice of Suspension naman ay pansaman­talang pagtutol lamang at ma­aaring ma­a­yos kapag nakapagsumite ng sapat na ebidensiya o do­kumento ang mga ki­na­uukulang opisyal.

Kung hindi maipaliwa­nag o maayos ang disallo­wance, nagiging final and executory ito at ang pera ay kailangang ibalik sa kaban ng bayan.

Nagtataka ang inyong Agarang Serbisyo Lady, ba­kit hindi inilabas ng COA sa publiko ang kanilang fin­dings sa loob ng sampung taon?

Bakit ngayon lang?

Maibabalik pa kaya ang halagang PHP 5.8 billion?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here