Home HOME BANNER STORY Mag-asawang Discaya dumating sa DOJ para mag-apply sa witness protection program

Mag-asawang Discaya dumating sa DOJ para mag-apply sa witness protection program

312
0

MANILA, Philippines – Personal na nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang sina Pacifico Curlee at Sarah Discaya para sa pakikipagpulong kay Justice Secretary Crispin Remulla.

Bantay sarado ng mga tauhan ng Police Security Protection Group at Senate Sgt at Arms nang unang dumating pasado alas-8 ng umaga ng Biyernes, Setyembre 19 si Curlee na nakasuot ng bullet proof vest.

Sumunod namang dumating sa DOJ si Sarah sakay ng Isuzu Mu-X na napaligiran din ng bantay.

Ayon kay DOJ spokesperson Asec. Mico Clavano, nagkausap kahapon sina Remulla at Senate President Tito Sotto para sa imbitasyon kay Discaya sa DOJ.

Matapos itong banggitin ni Senator Rodante Marcoleta na nais niyang gawing state witness ang mag-asawang Discaya.

Sinabi ni Clavano na pag-uusapan muna ang pagiging protected witness nito dahil wala pang kaso pero depende pa rin aniya kung magsasabi ng buong katotohanan ang mga Discaya.

Nilinaw din ni Clavano na si Curlee lamang ang inaasahan nila dahil siya ang nasa pagdinig kahapon sa Senado kung saan personal na hiniling ni Senator Marcoleta kay Remulla na gawing testigo ng gobyerno ang mag-asawang Discaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here