MANILA, Philippines – Inilabas ng transport group na Manibela ang listahan ng pickup points para sa “Libreng Sakay” sa Linggo, Setyembre 21 kung saan itinakda ang mga kilos-protesta sa Luneta Park sa Maynila at Edsa Shrine sa Quezon City.
Sa Facebook post nitong Biyernes, Setyembre 19, sinabi ng Manibela na ang libreng sakay para sa 9 a.m. rally sa Luneta Park ay magiging available mula 6:30 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga.
Idinagdag pa ng Manibela na magkakaroon ng “Libreng Sakay” placard sa kanilang mga jeepney upang madaling matukoy ng mga raliyista ang libreng sakay.
Narito ang mga pickup points para sa Libreng Sakay patungong Luneta:
Quezon City
SM Fairview/Robinsons Novaliches
Shell Villaflor Novaliches
Ayala Malls Balintawak (Along A. Bonifacio Ave)
Commonwealth Ave. Litex
Commonwealth Ave. Philcoa
Welcome Rotonda
Munoz Market
LRT-2 Araneta-cubao Station
Valenzuela City
Valenzuela City People’s Park
SM City Valenzuela
Marikina City
Ayala Malls Feliz
Marikina Bayan Sports Complex (Palengke)
City of Manila
Blumentritt Palengke
Juan Luna St., Divisoria
Punta Tulay
7-11 San Andres Bukid
Muntinlupa City
Alabang Starmall
Alabang Barangay Hall
San Juan City
San Juan-Divisoria Jeepney Terminal
Caloocan City
LRT-1 Monumento Station
Sto. Niño De Bagong Silang Parish Church
Las Piñas City
Along Zapote Road
Pasay City
Pinagbarilan, Malibay
Paranaque City
Jollibee Mia Road (in front of LRT-1 MIA Road Station)
SM Bicutan
SM Sucat
Navotas City
Old C-4 Bus Terminal Complex
Pasig City
Pasig Palengke
Rosario Jeepney Terminal
Outside Metro Manila (4 a.m. departure)
Carmona Terminal
Biñan Terminal
Gen. Mariano Alvarez Terminal
SM City Dasmariñas
Zapote Road, Bacoor
Sta. Rosa Balibago Terminal
Puregold Cabuyao
Calamba Terminal
Angono Jeepney Terminal
Taytay Jeepney Terminal
Binangonan Jeepney Terminal
Kapitolyo, Antipolo City
Matapos ang rally sa Luneta Park, mag-aalok din ang Manibela ng libreng sakay mula alas-11 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon para sa mga lalahok naman sa “A Trillion Peso March” afternoon rally, na gaganapin sa EDSA Shrine. RNT/JGC