Home NATIONWIDE Sunog sumiklab sa Divisoria mallNATIONWIDETOP STORIES Sunog sumiklab sa Divisoria mallSeptember 19, 2025 16:153250 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang kilalang mall sa Binondo, Maynila Biyernes ng umaga, Setyembre 19.Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, nangyari ang insidente pasado 11:14 ng umaga sa Divisoria Mall sa San Nicolas, Maynila.Mabilis namang nakaresponde ang San Nicolas Fire Station (Engine 2) at nakarating sa lugar kaya naman itinaas lamang sa unang alarma ang sunog.Ganap na 11:47 ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog.Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala. Jocelyn Tabangcura-Domenden