Home NATIONWIDE Tarp na may mukha ni PBBM, Bonoan pinagbabato ng putik ng mga...

Tarp na may mukha ni PBBM, Bonoan pinagbabato ng putik ng mga magsasaka sa Malolos

324
0

Bulacan – Pinagbabato ng putik ng mga magsasakang nagprotesta ang isang tarpaulin na may mukha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating DPWH secretary Manny Bonoan sa harapan ng tanggapan ng DPWH sa lungsod Malolos.

Bandang 10:00 ng umaga nitong Setyembre 19 sa kasagsagan nang pagsigaw ng kanilang saloobin kontra korapsyon at sa maanamolyang “flood control scam” ay pinagbabato nila ang tarpaulin na may mukha ni BBM at Bonoan.

Kasabay nito ang pagwagayway ng mga plakard na may mga mensaheng: “Marcos Jr, hari ng korapsyon. Itakwil, Subsidyo sa magsasaka, huwag ibulsa, Serbisyo sa tao, huwag gawing negosyo, DPWH korap, Galit kami sa mga kurap at pahirap, Isoli ang ninakaw.”

Samantala, daan-daang estudyante naman ang sumali sa campus walkout sa Bulacan State University na naglabas din ng saloobin kontra korapsyon at sa nasabing maanomalyang proyekto sa baha.

Sinasabing aabot sa mahigit 300 ang sumali sa naturang rally kabilang ang mga guro at ilang marginalized groups, ayon na rin sa report.

Kaugnay nito, bantay-sarado naman ng mga awtoridad ang nasabing mga aktibidad sa nasabing unibersidad at tanggapan ng gobyerno. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here