Manila, Philippines – Sabi nga, after every relationship–memories are all that remain.
Sa alaala man lang ay mananatiling buhay ang mga maliligayang araw na pinagsamahan ng mag-asawa, magkasintahan o magkaibigan.
But this is not the case with Kathryn Bernardo.
Ni katiting na bagay na makakapagpapaalala ng nakaraan nila ni Daniel Padilla’y binura na niya nang tuluyan.
Saksi mismo ang dating nagsilbing PR ng negosyong itinayo nina Kathryn at Daniel.
Ito ‘yung Barbero Blues na binuksan noon sa isang sangay ng SM sa Quezon City.
Ngayon ay wala na ito, sinolo na ng aktres at nagbagong-bihis na.
It’s now called New Look Hair Studio na bago na rin ang branding at logo.
Isinabay ang opening nito sa KathNails na sole proprietorship ng aktres na may iba’t ibang branches na rin.
Mapapansin ang bagong tarp ng twin business na ito ni Kathryn, thus easing out Daniel.
Kunsabagay, ano pa ba naman ang point na i-retain pa ang kanilang business partnership kung wala na rin silang relasyon sa isa’t isa.
‘Yun nga lang, umiling na nanghihinayang ang tumayong PR nito na pinasok na rin ang showbiz writing.
Mula kasi nang i-conceptualize ang Barbero Blues hanggang maitatag ay kasama roon sina Mommy Min at Karla Estrada, Kathryn’s and Daniel’s mothers, respectively.
True to a line of a Barbra Streisand song, “some good things never last.”