Home ENTERTAINMENT Star Magic, may pakiusap sa hiwalayang Julia-Gerald!

Star Magic, may pakiusap sa hiwalayang Julia-Gerald!

368
0

Manila, Philippines – Confirmed: hiwalay na ngang talaga sina Julia Barretto at Gerald Anderson!

Mismong ang Star Magic–talent arm ng ABS-CBN–ang nag-release ng opisyal na pahayag.

Nakikiusap ang Star Magic sa publiko na igalang ang desisyon ng dating magkasintahan “who arrived at a mutual agreement to end their relationship.”

llang linggo nang usap-usapan ang breakup ng dalawa dahil sa kawalan ng mga posts ni Julia sa kanyang social media account ng tungkol sa mga ganap nila ni Gerald.

Sinabayan pa ito ng balita–although unconfirmed–na may bagong nobyo ni Julia.

Samantala, inuugnay naman si Gerald kay Vanie Gandler, volleyball player ng Cignal HD Spikers.

Taong 2021 nang kumpirmahin nina Julia at Gerald ang kanilang relasyon, dalawang taon makaraang maghiwalay sina Bea Alonzo at Gerald.

Nakiusap din ang Star Magic sa publiko “to refrain from spreading false narratives.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here