Home METRO Sekyu na nanggahasa sa kanyang stepdaughter, arestado

Sekyu na nanggahasa sa kanyang stepdaughter, arestado

219
0

CEBU CITY, Philippines – Arestado ang isang security guard na nasa top 5 most wanted sa lungsod na ito matapos madakip ng mga awtoridad sa Naga City sa kasong panggagahasa sa kanyang stepdaughter, iniulat kahapon.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa Carcar City sa kasong sexual assault sa ilalim ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act ang 36-anyos na suspek at nagtago sa Barangay Tinaan, Naga City.

Base sa report ng Naga City Police Station, bandang 5:00PM noong Huwebes, Setyembre 18, 2025 nadakip ang suspek.

Nag-ugat ang kaso noong Nobyembre 2024, matapos humingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa San Fernando. Ayon sa imbestigasyon, minolestiya at inabuso ng suspek ang bata noong siya pa ay karelasyon ng ina ng biktima.

Nilinaw ng pulisya na intelligence-driven ang operasyon at bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Naga Police Station ang suspek habang hinihintay ang turnover nito sa korte at may nakatakdang P200,000.00 na piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here