Home ENTERTAINMENT ‘Tax holiday’, hirit ni Vice Ganda!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES ‘Tax holiday’, hirit ni Vice Ganda!September 20, 2025 16:583240 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi kaila sa buong sambayanang Pilipino na this year ay Number #1 taxpayer si Vice Ganda.Kaya tulad ng iba pang kapwa celebrity ay pinarangalan siya ng BIR sa isang event na naganap sa Quezon City kamakailan.At dahil consistent ang TV host sa kanyang obligasyon, may karapatan nga naman siya na mag-demand ng magandang serbisyo at panunungkulan sa gobyerno.Socially awakened si Vice Ganda sa lumalalang kaso ng korapsyon sa bansa.Talamak nga ang nakawan sangkot pa mandin ang mga taga-gobyerno na pinagdudusahan ng ating mga mamamayan.“Hawa” nga naman ‘yon sa milyun-milyong Pinoy na nagbabayad ng karampatang buwis–para lang nakawin nang ganoon-ganoon na lang?Nakaisip tuloy ng paraan ang Unkaboggable Star–ipatupad ang tax holiday.Nais mangyari ni Meme na ipagpaliban muna ng pamahalaan ang paniningil ng taunang buwis.Katwiran niya: “Ninakawan n’yo kami, eh! Ibalik n’yo muna ang perang ninakaw n’yo sa amin!”Ikinumpara ito ni Vice Ganda sa isang taong bimili ng spaghetti para kainin nito, only to be stolen kahit bayad na ito.Giit niya: “Ibig bang sabihin, magbabayad siya uli ng spaghetti? Hindi naman tama ‘yon!”Aniya, ipatupad ang tax holiday at pag bumalik na sa ayos ang sistema’y saka uli maningil ng buwis mula sa mga mamamayan.Dahil doon ay umani ng masigabong palakpakan ang TV host.May point nga naman! Ronnie Carrasco III