Home ENTERTAINMENT Frenchie Dy, nag-throwback sa samahan nila ni Sarah G!

Frenchie Dy, nag-throwback sa samahan nila ni Sarah G!

317
0

Manila, Philippines – Sa mga di  nakakaalam, isa ang Powerhouse Diva na si Frenchie Dy sa mga nakatulong kay Pop Royalty Princess Sarah Geronimo nu’ng nagsisimula pa lang ito sumali sa singing contests sa telebisyon.

May group pala sila na mga kontesera at sama-sama sila na sumasali sa iba’t ibang singing contests.

Kwento ni Frenchie,  “Si Sars, siya ang pinaka-una sa amin na nanalo sa batch ng mga champions. Kasi may grupo kami dati, yung mga sumali sa singing contest. Ang tawag sa amin dati, ‘champions’.

“So, si Saras ang unang -una. Sa ‘Star for a Night’ siya.”

Nagpasalamat daw ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa kanya nu’ng nag-champion si Sarah.

“Ano sabi ni Mommy Divine nu’ng ako naman po ang nanalo? Okay naman po. Nu’ng nanalo si Sars doon pa rin sila nakatira noon sa Quiricada. Hanggang sa lumipat na rin sila,” lahad ni Frenchie.

Hindi na raw sila masyadong nagkikita ni Sarah at Mommy Divine.

Kaya di maimbita ni Frenchie ng personal ang mag-ina para sa kanyang nalalapit na concert, ang “Here to Stay, Frenchie Dy 20th Anniversary Concert” sa October 24, Friday, sa Music Museum.

“Eeeeh, nahiya naman ako mag-imbita. Hahaha. Pero pwede, pwede.  Oo, subukan ko mag-invite. Super love ko rin si Matwoes (tawag niya kay Mateo). Kasi magkasama naman kami niyan sa teleserye,  sa ‘Dolce Amore’,” tsika ni Frenchie.

Thankful si Frenchie sa producer ng “Here to Stay,” ang Grand Glorious Productions, na nagtiwala at nagbigay sa kanya mg opportunity na i-celebrate ang kanyang anniversary via a major show.

Gayundin sa CLNjK Talent management, talent arm ng NICKL Entertainment, na nagha-handle ng kanyang career.

“Ang konsiyerto na ito ay isang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aking paglalakbay—ang aking mga tagahanga, aking pamilya, at bawat taong naniwala sa akin.

“Dalawampung taon ng musika ay isang bagay na ipinagdiriwang ko hindi lamang para sa aking sarili, kundi sa inyong lahat,” say pa ni Frenchie.

Kabilang sa special guests ni Frenchie sa “Here to Stay”  ay ang mga kaibigan niya na sina Ice Seguerra, Sheryn Regis, Radha, OJ Mariano, Ala Kim and El Gamma Penumbra.

Makakabili na ng mga tiket sa Music Museum at Ticket2Me. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here