Home HOME BANNER STORY Balik-P60B pondo ng PhilHealth, ipinaliwanag ng DOF

Balik-P60B pondo ng PhilHealth, ipinaliwanag ng DOF

275
0

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ng Department of Finance (DOF) ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik sa PhilHealth ang ₱60 bilyong pondo na una nang nailipat sa national treasury.

Ayon sa DOF, inirekomenda nila ang pagbabalik dahil lumakas ang kita ng PhilHealth at kailangan ng dagdag pondo para sa pagpapalawak ng benepisyo at serbisyo.

Nagkaroon din ng fiscal space matapos suspindihin ang ilang flood control projects, na nagbawas ng ₱255 bilyon mula sa panukalang 2026 budget ng DPWH.

Ipinahayag ni Marcos ang hakbang sa pagbisita niya sa Fabella Hospital, kasabay ng imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa flood control projects.

Sabi ng DOF, gagamitin ang pondong ito para suportahan ang Zero Balance Billing at pinalawak na benepisyo ng PhilHealth. Kabilang dito ang mas mataas na coverage sa breast cancer treatment (mula ₱100,000 hanggang ₱1.4 milyon), libreng dialysis sa loob ng isang taon, mas malaking pondo para sa kidney transplant (hanggang ₱2.1 milyon), pati operasyon sa puso, dengue, katarata, at hika.

“The expansion of services requires the infusion of funds, and we in the revenue sector will do our job so that such an important public service will be financed,” ayon sa DOF. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here