Home NATIONWIDE Trillion Peso March protesters dumaragsa na sa EDSA

Trillion Peso March protesters dumaragsa na sa EDSA

343
0

MANILA, Philippines – Nagsimula nang magtipon nitong Linggo ng umaga ang mga nagpoprotesta sa People Power Monument sa EDSA, Quezon City para sa “Trillion Peso March” laban sa korapsyon, kasunod ng pagbubunyag ng maanomalyang flood control projects na nagkakahalaga ng bilyon-bilyon.

Dakong alas-7 ng umaga, unti-unti nang napuno ang harapan ng monumento at bahagi ng White Plains Avenue.

Tinatayang aabot sa 30,000 ang lalahok, ayon sa tagapagsalita ng protesta na si Kiko Aquino Dee, na iginiit na hindi ito panig sa anumang political bloc at hindi rin panawagan ng pagpapatalsik.

“We are aiming for a peaceful protest,” aniya.

Isinagawa rin ang isa pang kilos-protesta na tinawag na “Baha sa Luneta: Aksyon Na Laban sa Korapsyon” sa Rizal Park, Maynila.

Naka-full alert ang NCRPO, na may 50,000 pulis na ipapakalat sa buong bansa, kabilang ang mahigit 9,000 sa Metro Manila, para tiyakin ang seguridad ng mga pagtitipon sa ilalim ng maximum tolerance.

Samantala, iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbestigasyon sa flood control scandal na kasalukuyan ding iniimbestigahan ng Senado at Kamara. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here