MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na nagsulat siya ng protest song laban sa kasakiman at katiwalian bilang “regalo” sana sa ika-68 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 13.
Ibinahagi niya ang kantang “Mga sakim, durugin na” sa harap ng Filipino community sa Tokyo noong Setyembre 20, matapos niya itong buuin sa loob ng mahigit dalawang linggo.
Sa kanta, inilarawan niya ang mga Pilipinong nagdurusa habang ang mga sakim ay nalulunod sa yaman, at nananawagan ng pagkakaisa para lumaban.
Sa kaniyang talumpati, binanatan din niya si Marcos: “Non-stop ang pambubudol at sobrang kapal ng mukha na parang hindi na nahihiya na binubudol yung mga Pilipino.”
Ang kanyang pahayag at pagtatanghal ay naganap isang araw bago ang malawakang protesta laban sa korapsyon na kasabay ng anibersaryo ng Martial Law.
Narito ang kabuuan ng kanta:






