MANILA, Philippines – Unti-unti nang dumadagsa ang mga rallyista mula sa iba’t ibang sektor sa Luneta ngayong umaga.
Ito ay upang ipanawagan at kondenahin ang malawakang korapsyon na nangyayari sa bansa.
Partikular dito ang maanomalyang flood control projects ng pamahalaan na patuloy na iniimbestigahan ng iba’t ibang ahensya, maging sa Senado at Kamara.
Hindi lamang sa Luneta ikinakasa ang mass protest kundi maging sa EDSA at mayroon din sa ibang lugar o probinsya.










