Home ENTERTAINMENT Jinggoy, walang balak sagutin pasabog ni Robbie!

Jinggoy, walang balak sagutin pasabog ni Robbie!

328
0

Manila, Philippines — Wala umanong balak sagutin ni Senator Jinggoy Estrada ang paratang ng dating aktor na si Robbie Tarroza.

Ito’y ayon sa kampo ng mambabatas na ngayo’y idinidiin sa mga maanomalyang flood control project.

Matatandaang ang district engineer na si Brice Hernandez ang nagsangkot kay Estrada, bagay na mariing pinabulaanan nito.

Ayon sa kampo ni Jinggoy, mas pupursigihin pa raw nitong linisin ang kanyang pangalan kaysa patulan ang intrigang isiniwalat ni Robbie tungkol sa kanyang “double life” exposé.

Ang double life na tinutukoy ni Robbie—na nakapuslit na ng bansa dahil sa banta sa kanyang buhay—ay ang kasarian umano ni Jinggoy na hindi alam ng publiko.

“Between answering the charges on his alleged corruption and that of Robbie’s, the good senator would rather clear his name as a respected lawmaker,” sabi ng kampo nito.

Minaliit lang ng senador ang ipinupukol ni Robbie laban sa kanya, kundi man tinawanan pa.

Kabilang sa idinamay ng dating matinee idol ay ang dati niyang karelasyong si Joed Serrano na may lihim umanong relasyon kay Jinggoy.

“Sa dinami-dami ba naman ng problema sa bansa, ito pa ba ang uunahin at pag-aaksayahan ng panahon ni Jinggoy. More than anybody, tanging siya lang at ang kanyang pamilya ang lubos na nakakakilala sa kanya,” dagdag pa ng kampo nito.

Sorry raw kay Robbie: “Jinggoy won’t dignify his brazen lies!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here