Home NATIONWIDE Sugatang pulis umabot sa 84; 15 nasa ospital

Sugatang pulis umabot sa 84; 15 nasa ospital

278
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang nasa 84 na personnel ng Philippine National Police (PNP), ayon sa inisyal na impornasyong ibinahagi ng pamunuan ng Manila Police District (MPD).

Ayon sa pinakahuling update ni MPD Public Information Office Chief P/Major Philipp Ines, sa nasabing bilang ay 15 ang dinala sa ospital dahil sa matinding tinamong sugat mula sa mga maghihimutok na mga ralyistang kabataan.

Kabilang sa mga police personnel na sugatan ang mga nagbarikada sa paanan ng Ayala Bridge na tanging pananggalang lamang nila ay ang kanilang shield.

Karamiihan sa mga pulis ay pinagbabato ng bato, bote at pinaghahampas ng bakal habang hawak-hawak nila ang kanilang shield.

Samantala, personal na tinungo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang kahabaan ng C.M Recto upang masaksihana ng ginawang pinsalang dulot ng mga demonstrador.

Babala ng alkalde, mananagot ang mga kabataang naaresto dahil sa idinulot nilang pinsala sa Maynila.

Patuloy namang kinumpirma ng MPD, kung may mga kritikal o may nasawi sa hanay ng mga pulis tulad ng kumakalat na ulat na may dalawang pulis na nasawi dahil sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here