Home NATIONWIDE PCG puspusan sa evacuation, rescue ops sa Ilocos at Cagayan

PCG puspusan sa evacuation, rescue ops sa Ilocos at Cagayan

302
0

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagsasagawa ng evacuation at rescue operation sa mga apektado ng Super Typhoon Nando sa Ilocos Sur at Cagayan.

Katuwang ang BFP, inilikas ng PCG ang mga apektado sa Sta. Catalina, Ilocos Sur kabilang ang 37 pamilya o 80 residente mula sa Barangay Paratong, Cabittaogan, at Subec gamit ang ambulansya.

Lahat ay dinala sa evacuation center upang maiwasan ang panganib.

Samantala, sa Barangay Rapuli, Santa Ana, Cagayan, nagsagawa ng house-to-house inspection ang Coast Guard Deployable Response Group (DRG).

Natagpuan ang dalawang pamilya na binubuo ng walong katao, kabilang ang anim na bata, at agad silang inilikas sa Purok 1, Sitio Limbus matapos tumaas ang tubig-dagat.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ang operasyon ay nakaangkla sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng bawat pamilyang Pilipino sa panahon ng kalamidad.

Nananatili paring nakaantabay ang PCG para sa patuloy na pagbabantay at agarang pagtugon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here