Home METRO Ginang arestado sa pambubugaw ng anak

Ginang arestado sa pambubugaw ng anak

171
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang nanay dahil sa umano’y online sexual exploitation activities sa lungsod ng Quezon, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba mula sa Human Trafficking Division (HTRAD) laban sa ina na sangkot sa online sexual abuse of children.

Nagresulta sa pag-aresto sa ginang ang pagsagip sa limang menor de edad na biktima.

Sinabi ng NBI na nakatanggap ito ng referral mula sa Royal Canadian Mountain Police (RCMP) sa pamamagitan ng  Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC).

Sinabi rin nito na ang referral ay nagsasaad na ang mga miyembro ng New Westminster Police Department (NWPD) ay nagsagawa ng search warrant na nagresulta sa pag-aresto sa isang Canadian national sa kanyang tirahan.

Sa pagsusuri ng kanyang device, natuklasan na tumatanggap ng kabayaran ang ginang para sa ibugaw online ang kanyang 12 taong gulang na anak na babae.

Natuklasan din sa surveillance na aktibong nag-aalok ang ginang ng menor de edad sa mga dayuhan kapalit ng halaga ng pera. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here