Home ENTERTAINMENT Kathryn, tahimik sa kaguluhan, pinagtatakhan!

Kathryn, tahimik sa kaguluhan, pinagtatakhan!

276
0

Manila, Philippines – llang sikat na personalidad sa showbiz ang nakibahagi sa mga rally nitong September 21.

May mga dumalo ng umaga sa Luneta Park.

May humabol din sa EDSA sa hapon.

May mga kilos protesta din sa iba’t ibang lugar.

‘Yung iba namang hindi pumuwede physically ay may mga posts sa social media.

Gayunpaman, iba-iba man ang paraan ay iisa lang ang tinig na maririnig: puksain na ang korapsyon.

Papanagutin ang lahat ng mga sangkot, ikulong hangga’t maaari.

Sa gitna ng usaping ito ay nagtataka ang mga netizens kung bakit tahimik si Kathryn Bernardo.

Dahil daw ba ito sa rumored boyfriend niyang si Lucena City Mayor Mark Alcala?

O, sadyang walang pakialam ang Kapamilya actress?

Nahanapan din ng kasagutan ang tanong na ito sa pamamagitan ng social media post na: “Silence can be misunderstood.”

Pero hindi raw ibig sabihin niyon na ang taong tahimik ay bingi at bulag sa katotohanan sa kanyang paligid.

At sa kaso ni Kathryn, bilang depensa sa kanya’y nasa EDSA rally pala si Mommy Min, ang kanyang ina.

May dala-dalang kahon ng pagkain at bottled mineral water ang showbiz mother para ipamahagi sa mga rallyista.

Bagay na ipinagpasalamat ng mga netizens na naghahanap kay Kathryn o kinatawan mula sa pamilya nito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here