MANILA, Philippines – NAGTAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng 60-day restriction sa pag-aangkat ng ilang produktong baboy matapos matuklasan sa preliminary investigation ang pagtaas ng foreign shipments na labis na nakapinsala sa domestic hog industry.
Winika ng DA na ang malaking shipments ng imported pork ay nagresulta ng P27.9 bilyon na pagkalugi sa unang pitong buwan ng 2026.
Saklaw ng provisional measure ang ‘specified fresh at frozen pork cuts, carcasses, at edible offal’ nakabinbin ang pormal na Tariff Commission investigation.







