Home ENTERTAINMENT Netizens, hati ang opinyon sa Julia-Lucas linkup!

Netizens, hati ang opinyon sa Julia-Lucas linkup!

365
0

Manila, Philippines – May mainit-init na balita na inispluk ang isang tsismosang kapitbahay hinggil kay Julia Barretto at sa rumored rich and eligible bachelor na nali-link sa kanya.

Ito ay pagkatapos na pumutok ang balita ng kumpirmasyon ng breakup ng aktres at ng ex boyfriend na si Gerald Anderson.

Ayon sa tsika, pina-follow raw ni Julia ang private Instagram account ni Lucas Lorenzo na kapatid ng mister ni Claudia na si Basti.

Ang siste, halos buong clan daw ng Lorenzo ay sinusundan din ng aktres ang socmed accounts.

In other words, invested daw talaga ang aktres sa pamilya ng lalakeng nali-link sa kanya.

Hirit pa ng bubuwit, espesyal daw kay Julia ang visionary leader at CEO ng isang restaurant chain considering na kokonti lang naman talaga ang pina-follow ng aktres sa kanyang pribadong social media account.

Ito naman ang reaksyon ng mga katikatera at sawsawera nang mapag-umpukan ito sa umpukan ng mga mga marisol.

“Wow, private account. That’s something.”

“So invested talaga si Hulya sa mga Lorenzos.”

“Baka naman matagal na niyang pina-follow ang mga Lorenzo at ngayon lang napansin.”

“Private nga, eh. To follow someone privately, it means special iyong pina-follow mo.”

“Parang prior to the announcement ng breakup nila ni Ge, hindi pa naman siya naka-follow. Hehehe.”’

“Kung sila man ni Julia, good for her. She deserves better.”

“At least hindi red flag si guy.”

“Baka naman lodi lang niya si Lucas.”

“Julia deserves someone na seseryosohin siya. I think, Lucas is a good catch.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here