Home METRO Mangingisda patay, 6 nawawala sa tumaob na bangka sa Cagayan

Mangingisda patay, 6 nawawala sa tumaob na bangka sa Cagayan

272
0

CAGAYAN, Philippines – Isa ang patay habang pinaghahanap ang anim na iba pa matapos tumaob ang isang bangka sa karagatang sakop ng Barangay San Vicente, Sta. Ana, Cagayan.

Batay sa ulat at kumpirmasyon ng Coast Guard District North Eastern Luzon, 13 ang sakay ng bangka na pansamantalang naghanap ng mas ligtas na lugar dahil sa hagupit ng Super Bagyong Nando.

Hinampas umano ng sunod-sunod na alon at malakas na hangin ang bangkang JOBHENZ na noo’y nakadaong dahilan para tumagilid at tumaob.

Anim na mangingisda ang nasagip at agad na dinala sa ospital.

Nagpadala na ng search and rescue teams ang Coast Guard, kabilang ang PCG Special Operations Group (SOG) Divers at Coast Guard Medical Team (CGMED), para hanapin ang mga nawawalang mangingisda. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here