Manila, Philippines – Nanawagan si Direktor Lav Diaz kay Vice Ganda na tumakbo itong presidente sa 2028. Labanan daw nito si Vice President Sarah Duterte sa next presidential election.
Hiningan ng komento ang kaibigan at dating mananger ni Vice na si Ogie Diaz sa panawagan ni Direk Lav na tumakbo ito sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Sabi ni Ogie, “Alam mo sa totoo lang no, why not!?”
Naniniwala si Ogie na kung tatakbo si Vice sa presidential election sa 2028 ay mananalo ito kung talagang nakatadhana para sa kanya ang posisyon.
“Alam mo sa totoo lang no, sabi nga nila ‘di ba ang pagiging Presidente ay destiny, malay mo destiny nga ni Vice ‘yan,” ang pahayag pa ni Ogie.
Well, abangan na lang natin kung tatanggapin ba ni Vice ang panawagan ni Direk Lav?
Sa pagkakaalam kasi namin ay wala siyang balak pumasok sa politika.
Pero malay natin, baka magbago ang kanyang desisyon. Rommel Placente