MANILA, Philippines – Nanumpa na bilang bagong miyembro ng Kamara sa ilalim ng 20th Congress si Gabriela Partylist Representative Sarah Elago.
Si Elago ang ika-64 na partylist representative sa Kamara.
Sa plenary session, sinabi ni House Majority Leader Sandro Marcos na natanggap ng Kamara ang liham mula sa Commission on Elections (Comelec) na nagdedeklara sa Gabriela bilang nanalo sa nakalipas na 2025 midterm elections.
Nang walang naging pagtutol ay nanunpa na si Elago sa harap ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Maliban kay Elago ay nanumpa din kahapon kay Speaker Dy sina dating Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na itinalaga bilang bagong Secretary General kapalit ni SecGen Reginald Velasco habang si retired Philippine Army Brig. Gen. Melchor dela Cruz ang siya nang bagong House sergeant-at-arms kung saan pinalitan nito si Police Major General Napoleon Taas.
Ang pagbabago ng SecGen at Sgt at Arms ay kasunud ng pagpapalit ng liderato sa Kamara matapos bumaba sa pwesto si House Speaker Martin Romualdez. /Gail Mendoza