Home ENTERTAINMENT Panawagan kay Bossing: kumbinsihin si Vico!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Panawagan kay Bossing: kumbinsihin si Vico!September 23, 2025 17:483320 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Gustuhin man niya’t balakin ay hindi qualified si Pasig City Mayor Vico Sotto na tumakbong Pangulo sa 2028.Mismong ang ama na rin niyang si Bossing Vic Sotto ang nagsabing his son falls short in terms of minimum age requirement.By 2028 kasi ay 39 taong gulang lang si Vico–kapos ng isang taon to qualify him for the highest position across the land.Si Vico na rin ang nagsabing wala siyang anumang plano, assuring his opponents.Pero ang latest, umiigting ang panawagang tinatanggap ni Bossing in the light of the current situation.Palala nang palala na kasi ang isyu ng korapsyong kinasasangkutan pa mandin ng mga tao sa gobyerno.Oo nga raw at hindi pa kwalipikado si Vico na maglunsad ng kanyang presidential bid, pero maaari naman daw siyang tumakbo bilang senador.Ayon sa isang early senatorial survey, nangunguna si Vico na may 67% boto.Pinangungunahan niya ang 13 rehiyon sa buong bansa.Samantala, pumapangalawa naman si Senator Grace Poe na nakakuha ng 42%.Pumapangatlo naman si Senator Raffy Tulfo na nanguna noon, at nakakuha ng 37%.Pero balewala ang mga numerong ito kung buo na ang pasya ni Vico na isantabi ang kanyang political plan.Ngunit umaasa ang sambayanan na makukumbinsi ni Bossing ang anak, isama na rin ang pang-eengganyo ng ina nitong si Coney Reyes.If ever maluklok, by the time Vico finishes his senatorial term ay hinog na hinog na siya as far as age requirement is concerned.Subukan kaya ni Bossing na gawin ito?Malay natin, ‘di ba? Ronnie Carrasco III