Home HOME BANNER STORY Bagyong Opong, tumindi sa tropical depression

Bagyong Opong, tumindi sa tropical depression

322
0

MANILA, Philippines – Lumakas pa bilang tropical storm ang dating tropical depression na si Opong habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Miyerkoles.

“Opong is less likely to directly affect the weather condition of the country in the next 24 hours. The onset of heavy rains due to Opong is possible by tomorrow, 25 September, onwards,” ayon sa ulat ng ahensya.

Itaas ang Signal No. 1 sa hilagang-silangang Mindanao, Eastern Visayas, at Bicol Region.

Maaaring umabot sa severe tropical storm category si Opong, na posibleng magdulot ng Signal No. 3 bilang pinakamataas na babala.

Samantala, nananatiling malakas ang Super Typhoon Nando habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran patungong timog Tsina. Posible itong mag-landfall ngayong Miyerkoles ng hapon o gabi at hihina matapos bumangga sa lupa.

Ngayong Miyerkoles, makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan ang La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, at Occidental Mindoro dahil sa habagat. Makakaranas ng kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, habang ang Visayas, Zamboanga Peninsula, at nalalabing bahagi ng Mindanao ay asahan ang mga pulu-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here