Home OPINION WALANG NANINIWALA SA KAMARA!

WALANG NANINIWALA SA KAMARA!

193
0

SAKTO ang pahayag ni bagong House Speaker Bojie Dy na walang naniniwala sa imbestigasyon ng Kamara sa maanomalyang flood control.

Sa ibang salita, walang kredibilidad ang mga taong bumubuo ng mga komite na nagsasagawa ng imbestigasyon.

Walang kredibilidad dahil tanging ang mga kontraktor lang at pagdamay lang sa mga senador ang puntirya nila.

Wala silang kabalak-balak na mag-imbestiga sa sarili nilang hanay o bakuran na siyang pangunahing inginuso umano mismo ni Pangulong Bongbong Marcos nang sabihin nito sa State of the Nation Address na “Mahiya naman kayo!”

Wala silang pagpupursige imbestigahan si Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co o ang nag-resign na si dating House Speaker Martin Romualdez, na parehong pinaghihinalaan na nagmaniobra sa bilyon-bilyong pondo, lalo na sa 2025 pambansang badyet.

Iniwasan din nilang imbitahan si Baguio City Mayor Benjie Magalong na resource person na pinaniniwalaang may mga hawak na kasong kinasasangkutan ng mga kongresman.

Dahil dito, sinabi ni Speaker Dy na ititigil na nila ang imbestigasyon at hahayaan na lang ang Independent Commission for Infrastructure.

Kasabay ng panawagan niyang dapat umuwi na si Rep. Co mula United States para magpaliwanag sa P13.8 bilyong insertion nito para sa flood control projects sa 2025 budget at sa mga maniobra nito sa small committee na bumaboy sa nasabing budget, ayon kay Navotas Cong. Toby Tiangco.

May napansin lang ng ating kuting diyan sa Kamara.

Latay sa mga progresibong grupo ang kawalan ng paniniwala o kredibilidad sa Kamara dahil lumilitaw na sila ang namumuno rito at ang aksyon ni Dy na itigil na ito.

Higit umanong pamumulitika kaysa paghahanap ng epektibo at buong solusyon sa problema ang nasa likod ng kanilang imbestigasyon.

Totoo kaya ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here