MANILA, Philippines – Walang pasok sa ilang lugar sa Miyerkoles, Setyembre 24, 2025, dahil sa masamang panahon, ayon sa mga anunsyo ng lokal na pamahalaan.
Sa Metro Manila, suspendido ang lahat ng klase sa Valenzuela City, pampubliko at pribado. Buong lalawigan ng Bataan ay nagkansela rin ng pasok. Sa Cavite, kasama sa may kanselasyon ang General Emilio Aguinaldo (Bailen) at Tanza.
Sa Laguna, walang pasok sa lahat ng antas sa Alaminos, habang sa Los BaƱos ay walang face-to-face classes at gagamit ng alternative delivery mode.
Katulad na polisiya ang ipatutupad sa Jalajala (Rizal); Calumpit, Marilao, Santa Maria, Balagtas, Bocaue, Obando, Guiguinto, at Plaridel (Bulacan); at sa Mexico, San Simon, at San Fernando (Pampanga).
Samantala, sa Candaba, kanselado ang lahat ng klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado. RNT