Home NATIONWIDE 2 Tsinong ilegal na nagtatrabaho sa Boracay, arestado

2 Tsinong ilegal na nagtatrabaho sa Boracay, arestado

227
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals sa Boracay matapos mahuling ilegal na nagtatrabaho sa isang beachfront restaurant sa Station 2.

Kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang mga suspek na sina Zhang Ke, 34, may-ari ng kainan na may employment visa para sa isang kumpanya sa Makati, at Li Jun, 40, na nagsilbing kusinero nang walang kaukulang papeles.

Agad silang dinala sa Maynila at kasalukuyang nakakulong sa BI facility sa Taguig habang hinihintay ang deportation proceedings.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, hindi papayagan ng pamahalaan na abusuhin ng mga dayuhan ang pagiging bukas ng Boracay bilang pangunahing tourist destination habang lumalabag sa batas. Isinagawa ang operasyon sa tulong ng AFP, Philippine Navy, at Malay Police.

Samantala, naghahanda rin ang BI ng deportation cases laban sa dalawang Taiwanese nationals na sina Pan Hou-lin, 66, at Zeng You-De, 54, matapos mahuling tinangkang ipuslit ang limang Pilipino papunta sa mga scam hub abroad.

Ang mga biktima, na unang pinaniwalaang pupunta sa Taiwan para sa isang religious activity, ay umaming papunta sana sa Thailand at Cambodia upang magtrabaho bilang customer service staff. Nailigtas sila at itinurn-over sa IACAT, habang dinala sa PNP Women and Children’s Protection Center sina Pan at Zeng. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here