MANILA, Philippines – Tila binanatan nang pa-simple ni Cavite 4th District Represenative Kiko Barzaga si House Majority Leader Sandro Marcos.
Ito ay matapos na tanungin ni Barzaga si Marcos patungkol sa kaso ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa Facebook video, makikita ang mambabatas na lumapit sa anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sabay bitaw ng tanong na, “Kamusta na yung kaso ni Tito Romualdez mo?”
Makikita naman na tila dinedma ni Sandro ang tanong at hindi na nagbigay ng sagot.
Sa naturang video, makikita rin na tinapik na lamang ni House Rep. Garin ang kanyang cellphone para maiwasan ang usapan. RNT/JGC