Home NATIONWIDE 7 tigok sa tumaob na bangka sa Cagayan sa hagupit ni Nando

7 tigok sa tumaob na bangka sa Cagayan sa hagupit ni Nando

248
0

MANILA, Philippines – Pitong katao ang nasawi matapos tumaob ang kanilang fishing vessel sa Santa Ana, Cagayan sa kasagsagan ng Super Bagyong Nando.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagsimula ang search and rescue nitong Martes kung saan apat na tripulante ang natagpuan. Itinigil ang operasyon alas-8 ng gabi dahil sa masamang panahon at ipinagpatuloy kinabukasan, kung saan tatlong bangkay pa ang narekober. Karamihan ay natagpuan sa mga bakawan habang ang ilan ay palutang-lutang sa dagat.

Gumamit pa ng chainsaw ang PCG para mabuksan ang tumaob na bangka at makuha ang mga na-trap na katawan. Inihahanda na ang mga labi para ibalik sa kanilang mga probinsya.

Lumabas din na nanatili ang mga tripulante sa loob ng bangka habang nananalasa ang bagyo upang protektahan ito.

Tinutukoy ngayon ng PCG, MDRRMO, at lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng patakaran na bawal manatili sa mga sasakyang-dagat tuwing may matinding bagyo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here