Home METRO Batang babae nadulas, nahulog sa creek sa Kyusi, patay nang nakita sa...

Batang babae nadulas, nahulog sa creek sa Kyusi, patay nang nakita sa Maynila

282
0

MANILA, Philippines – Natagpuan na ang labi ng isang walong-taóng-gulang na batang babae na tinangay ng rumaragasang agos ng tubig sa isang creek sa Culiat, Quezon City. Natagpuan ang kanyang katawan sa Sta. Mesa, Maynila.

Iniulat na nadulas ang biktima habang naglalakad sa makipot na daan sa labas ng kanilang bahay at nahulog sa creek noong Martes ng umaga.

Ayon sa ama ng bata, nakasigaw pa ang kanyang anak upang humingi ng tulong matapos mahulog sa creek. Sinubukan pa ng isa niyang anak na sagipin ang kapatid, ngunit hindi ito nagtagumpay dahil sa lakas ng agos ng tubig dulot ng malakas na ulan.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, ngunit bigo silang matagpuan ang bata sa lugar ng insidente.

Kinahapunan ng parehong araw, natagpuan ang bangkay ng bata sa isang bahagi ng creek sa Sta. Mesa, Maynila.

Humihiling ngayon ng tulong ang ama ng bata upang maiburol at maipalibing ang kanyang anak nang maayos. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here