Home ENTERTAINMENT Claudine at kuya, nagkaayos na bago namayapa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Claudine at kuya, nagkaayos na bago namayapa!September 25, 2025 16:292850 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Totoong-totoo pa rin ang kasabihang “Blood is thicker than water.”Muli itong napatunayan ni Claudine Barretto makaraang magkasundo sila ng kanyang kuya.Ito ang elder brother ng aktres na supposedly ay idedemanda niya dahil sa pagkakalat ng kasiraan tungkol sa kanya.This is the same sibling who Claudine suspected to be in cahoots with her elder sis Marjorie Barretto.Ito rin ‘yung kapatid ni Claudine na recently ay namaalam na sa hindi malamang kadahilanan.‘Yun ang dahilan kung bakit sobrang lungkot ngayon ni Clau.The news about their reconciliation ay ibonalita ni Ogie Diaz.Kuwento ng aktres, the day she was supposed to file a case against her kuya ay pumagitna raw ang anak nito — her nephew Mark.Sabi raw ni Mark sa kanya: “My dad wants to talk to you.”Nagsori raw kay Claudine ang kapatid who’s 20 years her senior.Bale ba, malapit din daw ang aktres sa asawa nito na bale hipag niya.Napagtanto ni Claudine na bali-baligtarin man ang mundo’y kapatid at kadugo pa rin niya ito.The Barretto siblings ended up warmly hugging each other.Sa ngayon ay nagluluksa si Clau dahil namayapa na ang nakaalitang kuya. Ronnie Carrasco III