Home ENTERTAINMENT Anjo, may pang-asar kay PBBM!

Anjo, may pang-asar kay PBBM!

296
0

Manila, Philippines – Kilalang mahusay na komedyante si Anjo Yllana.

Pero keri rin pala niyang magseryoso lalo’t kung ang laganap na korapsyon sa pamahalaan ang pag-uusapan.

Ika nga, nobody perhaps does it better than Anjo na naging public servant din.

Naglingkod dati bilang Parañaque City vice mayor si Anjo, at naging Councilor din noon ng nasabing lungsod.

Sa kanyang latest video post, in-address ni Anjo ang kanyang mensahe kay Pangulong Bongbong Marcos.

Aakalain mong mga kataga ‘yon ng papuri, but he delivered his message with a tone of sarcasm.

Banat ni Anjo: “Alam mo, Mr. President, saludo ako sa iyo. Ikaw na ang pinakamalinis na Presidente sa history ng Pilipinas at ng buong mundo…”

Just when you thought na end of sentence na ‘yon ay dinugtungan ‘yon ni Anjo: “Bakit ‘kamo? Kasi lagi kang naghuhugas-kamay. Alam mo

‘yung sa commercial?” sabay baling sa katabing hindi nakikita sa frame.

Partikular na kinukuwestyon ni Anjo ang madalas ikatwiran ni PBBM na wala siyang alam o nalalaman sa mga nakawang nangyayari sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Patuloy ni Anjo: “Ano nga ‘yung sabi ni Chavit Singson, command responsibility? Puwede ba namang wala kang alam?”

Dagdag niya: “Ikaw ang may pinakamalaking confidential funds, tapos, wala kang nalalaman?”

Hinamon pa ni Anjo ang Presidente:

“Meron ka pang ilang oras, ilang araw, ilang linggo para baguhin mo ang estilo mo.”

Nagningas dàw ang damdamin ni Anjo na pasadahan ang usapin kaugnay ng korapsyon nang marinig niya ang mensahe ni Sarah

Geronimo sa isang pagtatanghal.

Ani Anjo, susubukan daw niyang “pumitik.”

Any reaction mula sa kampo ng mahal na Pangulo…mahal na Pangulo daw, o! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here