MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme sa Metro Manila ngayong Biyernes, Setyembre 26, dahil sa banta ng Severe Tropical Storm Opong.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at manatiling updated sa mga abiso ng panahon.
Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa gobyerno sa Metro Manila at iba pang apektadong lugar. Santi Celario