Home HOME BANNER STORY #WalangPasok sa NCR, karatig-probinsya sa hagupit ni Opong

#WalangPasok sa NCR, karatig-probinsya sa hagupit ni Opong

311
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Malacañang ang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya sa Biyernes, Setyembre 26, 2025, bilang paghahanda sa bagyong “Opong.”

Batay sa Memorandum Circular No. 102, suspendido rin ang trabaho at klase sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Masbate, Romblon, at Sorsogon. Kanselado rin ang lahat ng klase sa Aklan, Albay, Antique, Batangas, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Cavite, Catanduanes, Guimaras, Iloilo, Laguna, Leyte, Marinduque, Negros Occidental, Oriental Mindoro, Rizal, at Quezon.

Mananatiling bukas ang mga ahensiyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo tulad ng kalusugan at emergency response, habang maaaring gumamit ng alternatibong work arrangements ang ibang empleyado ng gobyerno.

Maaaring magpatupad ng karagdagang suspensyon ang mga lokal na pamahalaan, at nakadepende naman sa pribadong kumpanya ang desisyon kung magkakansela ng trabaho. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here