Home NATIONWIDE Pagkakadawit sa flood control mess, itinanggi ng DepEd Usec

Pagkakadawit sa flood control mess, itinanggi ng DepEd Usec

281
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni Education Undersecretary Trygve Olaivar nitong Huwebes ang pagkakadawit sa kontrobersiya ng flood control projects at inanunsyo ang kanyang boluntaryong leave of absence upang bigyang-daan ang patas na imbestigasyon.

“Ngayong araw, binanggit ang pangalan ko ni DPWH Usec. (Roberto) Bernardo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Itinatanggi ko ang mga paratang at nais kong linawin na bukas ako sa anumang imbestigasyon kaugnay nito,” pahayag ni Olaivar.

“Upang matiyak ang patas na pagsisiyasat, kusa akong magli-leave of absence sa aking posisyon at handang makipagtulungan sa lahat ng proseso,” dagdag pa niya.

Lumabas ang pangalan ni Olaivar sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y ghost at substandard flood control projects na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso.

Bukod sa kanya, idinawit din ni Bernardo sina Sen. Francis “Chiz” Escudero, dating senador Bong Revilla at Nancy Binay, at Ako Bicol Rep. Zaldy Co. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here