MANILA, Philippines – Tinitiyak ni Department of Justice (DOJ) ang ulat na nagtungo sa Spain si Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes.
“He’s being tracked already. We’re trying to track him and maraming tumutulong ng tao,” pahayag ni Remulla sa mga mamamahayag.
Kasalukuyang nahaharap si Co sa reklamo sa DOJ kaugnay ng graft, malversation, at indirect bribery mula sa umano’y maanomalyang flood control projects.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ng dating Bulacan engineer na si Henry Alcantara na may mga komisyong ibinibigay sa kampo nina Co, Senador Jinggoy Estrada, Senador Joel Villanueva, dating senador Bong Revilla, at Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy.
Kinumpirma rin ni Remulla na inilabas na ang Immigration Lookout Bulletin Order laban kay Co sa kahilingan ni DPWH Secretary Vince Dizon.
Mariin namang itinanggi ni Co ang mga paratang.
“The allegations made against me during today’s Senate hearing are false and baseless. I reserve my right to respond… before the proper forum,” ani ng kongresista. RNT