Home NATIONWIDE P36B flood control fund na tinapyas sa DPWH, ililipat sa DSWD –...

P36B flood control fund na tinapyas sa DPWH, ililipat sa DSWD – PBBM

332
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang karagdagang alokasyon para sa mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huhugutin mula sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Mga kababayan, ikinalulugod kong ibahagi sa inyo ang halos ₱36 bilyong piso na pondo galing sa DPWH na nakuha natin sa flood control project. Itong halagang ito ay ilalaan natin sa mga programa ng DSWD,” bahagi ng talumpati ng Pangulo sa Kamustahan ng Pamilyang Matatag Kasama ang Huwarang Pantawid at Unang Pamilya sa Malacañang.

Sinabi ng Pangulo na nasa halos ₱36 bilyong piso ang budget na tinapyas sa DPWH na ilalagay naman sa mga programa ng DSWD gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Kasama rin sa mga programang paglalagakan ng ₱36 bilyong budget ay ang Sustainable Livelihood Program (SLP).

Para sa Chief Executive, mas matutulungan ng dagdag pondo ang mga mamamayan sa panahon ng emergency, gaya ng operasyon, pambili ng maintenance medicine, at iba pang gastusin para sa pagpapagaling.

Bukod dito, palalakasin din aniya ang inisyatiba para sa mga dating combatant bilang mga target beneficiaries ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here