Home NATIONWIDE Piso bumagsak sa P58.10 kontra dolyar

Piso bumagsak sa P58.10 kontra dolyar

277
0

MANILA, Philippines – Bumagsak ang piso sa mahigit ₱58 kada dolyar nitong Huwebes dahil sa lumalawak na iskandalo sa flood control projects at sa mahigpit na pahiwatig ng US Federal Reserve.

Nagsara ang piso sa ₱58.10 kada dolyar, pagbaba ng 63.9 sentimos mula Miyerkules at pinakamahinang antas mula Agosto 1, ayon sa Bankers Association of the Philippines. Tumaas sa $2.15 bilyon ang turnover dahil sa malakas na bentahan.

Ayon sa isang Manila-based trader, dulot ng “political unrest dahil sa congressional inquiry sa flood control scandal” ang pagbagsak. Tinaya ni Finance Secretary Ralph Recto na nagdulot ng ₱118.5 bilyong lugi sa ekonomiya ang korapsyon sa mga proyekto mula 2023. Nauna nang ni-freeze ng Anti-Money Laundering Council ang higit 700 account na konektado sa anomalya.

Dagdag pa rito, sinabi ni Michael Ricafort ng Rizal Commercial Banking Corp. na nahila rin ang piso ng mahigpit na pahiwatig ng US Fed. Naghihintay ngayon ang mga mamumuhunan ng US inflation at GDP data, habang posibleng magdulot ng dagdag na pagkabahala ang banta ng US government shutdown.

Inaasahang gagalaw ang piso sa pagitan ng ₱58.00 at ₱58.30 ngayong Biyernes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here