Home ENTERTAINMENT Deborah, may panibagong sakit!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Deborah, may panibagong sakit!September 26, 2025 15:212230 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Stage 2 colon cancer ang diagnosis kay Deborah Sun ng kanyang doktor.This was June last year, pero himalang nawala ito pagkatapos ng pitong buwang oral medication.Nakaligtas man sa colon cancer ay may ibang sakit naman ang dumapo sa aktres.Kamakailan ay sumailalim siya sa PET scan para patingnan ang kanyang dibdib.Sumunod dito’y ang CT scan kung saan may nakitang malilit na bukol sa kanyang breast.Sa October 9 nakatakdang magpa-sonogram si Deborah.Humihingi siya ng panalangin na magiging maayos ang resulta nito.Pero unbothered si Deborah who chooses to think positive.Kamakailan nga’y nagkita sila ni dating senador na si Bong Revilla who teased her: “Sa lahat ng kilala kong may cancer, ikaw ang mataba!”Inamin ni Deborah na kahit bawal na pagkain tulad ng processed food ay nilalantakan niya. Ronnie Carrasco III