MANILA, Philippines – Ngayong panahon ng bagyo, mahalaga ang sapat na paghahanda. Isa sa pinakamahalagang dapat pagtuunan ng pansin ay ang pagbuo ng isang “Go Bag” o emergency kit na maaaring dalhin kung kinakailangang lumikas.
Ang “Go Bag” ay dapat maglaman ng mga pangunahing pangangailangan para sa loob ng tatlong araw, upang matiyak na may sapat na gamit habang naghihintay ng tulong sa oras ng sakuna.
Narito ang mga dapat ilagay sa isang Go Bag:
Pagkain – mga pagkaing hindi madaling mapanis gaya ng ready-to-eat meals, de lata, energy bars, at instant noodles.
Inuming Tubig – sapat para sa bawat miyembro ng pamilya.
Radyo at Flashlight – gamit ang baterya o hand-crank na uri upang makasubaybay sa balita kahit mawalan ng kuryente.
Mga Extrang Baterya – para sa mga gamit na nangangailangan nito.
Makapal na Lubid – maaaring gamitin sa oras ng paglilikas o sakuna.
Pito (whistle) – panawag-pansin kung kinakailangang humingi ng saklolo.
Jacket at Kumot – para mapanatiling mainit ang katawan.
Trash bag – maaaring gamitin bilang panangga sa ulan o lalagyan ng basura.
Kubyertos o Utensils – para sa pagkain.
Face Mask – panlaban sa alikabok o sakit.
Hygiene Kit – may laman na toothbrush, sabon, alcohol, sanitary napkin, at iba pa.
First Aid Kit – may laman na mga pangunahing gamot, benda, at antiseptic.
Mga Mahahalagang Dokumento – tulad ng ID, birth certificate, at iba pa. Dapat ilagay sa waterproof na lalagyan para hindi mabasa.






