Home HOME BANNER STORY Tarriela dismayado: Zaldy Co mas marami pang eroplano kaysa PCG

Tarriela dismayado: Zaldy Co mas marami pang eroplano kaysa PCG

318
0

MANILA, Philippines – Hindi maiwasan ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard para sa West Philippines Sea, na madismaya dahil ang mga kumpanyang pinaniniwalaang nauugnay kay Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ay may mas marami pang eroplano kaysa sa mismong armado at unipormadong serbisyo.

Ito, habang nagpapakahirap ang PCG na sakupin o bantayan ang lahat ng mga bases sa pagpapatrolya sa karagatan ng bansa na patuloy na paglusob ng China sa West Philippine Sea.

Sa kanyang post sa X noong Biyernes, sinabi ni Tariela na ang PCG ay mayroon lamang tatlong fixed-wing aircraft at dalawang helicopters.

Sa kabilang banda, ang mga kumpanya ng Co ay may siyam na eroplano at helicopter na nagkakahalaga ng P4.7 bilyon, ayon kay Public Works chief Vince Dizon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tarriela na habang hindi niya inaakusahan ang sinuman ng maling gawain o pagkaaksala ngunit nakakalungkot lang aniya na makita ang isang mambabatas na nagtataglay ng maraming mga air assets. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here