Home NATIONWIDE Halos 7,000 pasahero stranded sa pantalan sa hagupit ni Opong – PCG

Halos 7,000 pasahero stranded sa pantalan sa hagupit ni Opong – PCG

213
0

MANILA, Philippines – Stranded ang halos 7,000 indibidwal sa mga daungan Sabado ng umaga, dahil sa Bagyong Opong, sinabi ng Philippine Coast Guard.

Sinabi ng PCG na 6,983 pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang na-stranded sa 99 ports na binabantayan nito.

Na-stranded din ang 2,639 rolling cargoes, 80 vessels, at 31 motor bancas, sinabi nito sa advisory nito.

Samantala, 368 sasakyang pandagat at 317 motor banca ang sumilong dahil sa Opong.

Sinabi ng PCG na ang mga numerong ito ay mula 12 a.m. hanggang 4 a.m. ng Setyembre 27.

Sa National Capital Region at Central Luzon, 92 pasahero, driver at katulong; 40 rolling cargoes, at 35 vessels ang naiulat na stranded. Animnapung sasakyang pandagat at 19 na motorbanca ang sumilong.

Sinabi ng PCG na ang mga ulat mula sa ibang mga rehiyon ay nagtala ng mga sumusunod:

Southern Tagalog: 1,136 indibidwal, 316 rolling cargoes, 17 vessels, 22 motor bancas stranded; 179 na sasakyang pandagat at 44 na motor banca ang sumilong.

Western Visayas: 852 indibidwal, 119 rolling cargoes, 2 sasakyang-dagat na stranded; 12 sasakyang-dagat at 106 motor banca na sumilong

Eastern Visayas: 853 indibidwal, 521 rolling cargoes, 2 barko, 5 motor banca na stranded; 14 na sasakyang pandagat at 18 motor banca na sumilong

Bicol: 3,629 indibidwal, 1,227 rolling cargoes, 5 vessels ang stranded; 67 sasakyang pandagat at 44 na motor banca ang sumilong

Northeastern Mindanao: 160 indibidwal, 336 rolling cargoes, 2 sasakyang-dagat na stranded; 20 sasakyang-dagat na sumilong

Central Visayas: 182 indibidwal, 72 rolling cargoes, 12 vessels ang stranded; 15 sasakyang pandagat at 82 motor banca na sumilong

Southern Visayas: 8 rolling cargoes, 1 vessel stranded

Palawan: 79 indibidwal, 4 na sasakyang pandagat, 4 na motor banca ang stranded; 1 vessel at 4 na motor banca na sumilong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here