Home METRO Lolong senglot nagpaputok ng baril timbog sa mga parak sa Bulacan

Lolong senglot nagpaputok ng baril timbog sa mga parak sa Bulacan

377
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang 65 anyos na lalaking nasa impluwensya ng alak na walang habas na nagpaputok ng barill sa bayan ng  Bustos nitong Setyembre 27.

Sa report ni PMAJ Mark Anthony Tiongson, hepe ng Bustos police station, naganap ang insidente bandang 3:00 ng madaling sa Brgy. Tibagan.

Ayon sa report, nakatanggap ng impormasyon ang istasyon na may naganap na pagpapaputok ng baril sa nasabing lugar.

Dahil dito, rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa nadatnan ang isang lalaking may dalang baril kaya agad nilang inaresto.

Nakumpiska sa suspek ang caliber .45 pistol na tampered serial number, magazine na may anim na bala at tatlong basyo.

Nahaharap ang suspek na si alyas “Estong” sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyong istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here